Saturday, November 27, 2010

Oh My Siomai!!



            Marami-raming siomai narin ang nakakain ko sa talang buhay ko. Ang siomai na siguro ang matatawag kong aking comfort food. Sa aking paglalakbay sa mundo ng mga pagkain, na aking talagang kinahihiligan, ang siomai na siguro ang pagkaing hindi ko pagsasawaang hanap-hanapin. Napakaraming pagkain na ang aking natikman na talaga namang mas masarap ng di hamak sa siomai. Pero para sa akin, wala pa ring tatalo sa dulot na saya na aking nararamdaman sa tuwing nakakakain ako ng siomai.
Ang siomai ay matagal ng pagkain ng iba’t ibang lahi na nanggaling pa sa China. Ang karaniwang sangkap ng siomai ay giniling na baboy, hipon, singkamas, carrots, sibuyas, itlog, mantika, asin at siomai wrapper. Para sa sawsawan naman ay toyo at calamansi na pwede ring dagdagan ng sili kung gusto mo ng maanghang. Wala naman masyadong magandang dulot sa kalusugan ang siomai, pero sa sarap nito, hindi ko na magawang magreklamo na sana ay healthy nga ito.
Napakaraming klase ng siomai ang ibinibenta sa buong Pilipinas, hinding hindi kayo mahihirapang bumili at maghanap ng paborito kong siomai. Nung hayskul pa lamang ako, natikman ko na ang pinakamalaking siomai na nakita ko sa talang buhay ko. Kasing laki ng palad ko yung siomai at mura lang ito, 7 pesos lang. Meron nadin akong natikmang siomai na maliit pero 20 pesos ang halaga. Nagkakaiba-iba man ang siomai sa lasa, laki at itsura, siguradong kahit ano pa man ito’y magugustuhan ninyo.  Ang sarap at busog na dulot nito sa inyo ay siguradong hinding-hindi niyo malilimutan. Kaya sa susunod na pagkain niyo nito ay sigurado akong kayo rin ay mapapa- Oh My Siomai!! ;))

--Natalie Kristine Jaramilla